HUDYAT ng Pag-aaklas


setyembre-1896

Buwan ng Setyembre 1896 ay buwan ng hudyat ng pag-aaklas sa bayan ng Silang. Ating gugunitain ang mga Silanguenong namuno at nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan. May ilang mga pangalan na ating mga natatandaan, ang ilan naman ay nakalimutan na. May mga pangalan ding tanging sa ngalan ng kalye ng bayan na lang maalala. Sino-sino ang mga bayani ng Silang.

Alam niyo bang nagsimula ang rebolusyonaryo sa Silang na tatatlo lang ang baril

 

Sino ang paring Kastilang hinabol ng mga rebolusyonaryo?

padre-toribio-moreno

Ang larawan na nito ni Padre Toribio Moreno ay makikita sa aklat na Campaña de Filipinas ni Monteverde y Sedeño 1897. Siya ang paring hinabol ng pangkat nina Vicente Giron at nakatakas papuntang Tatyaw subalit natagpuan at napatay sa Kaong.

lazaro-kiamzon

Naging matagumpay ang mga rebolusyonaryong taga-Silang sa kanilang pakikibaka at bumubo si Hen. Emilio Aguinaldo ng lokal na rebolusyonaryong pamahalaan sa Silang sa pamunuan ni Lazaro Kiamzon at Hipolito Giron. Nahalal naman si Hen. Vito Belarmino noong Setyembre 13, 1896 bilang General de Brigada ng Sangguniang Magdalo. Makaraan ng ilang buwan, ipinadala ni Hen. Jose Lachambre Comandante General de Division ang kanyang mga tauhan mula Santo Domingo sa Laguna sa pamunuan ni Hen. Pedro Cornell upang lusubin ang Silang at muling mapasailalim sa Kastila. Noong 1897 nagharap ang puwersang Belarmino at Cornell sa Silang.

mga-lider