Pista ng Batang Hesus


santo-nino

Ang Santo Niño sa retablo ng Silang ay nakaluklok sa pinakamataas na bahagi. Ang batang Hesus ay nasa gitna ng komposisyon at napapaligiran ng pitong anghel at kerubin: apat na anghel ang tumutugtog ng instrumentong musikal at tatlong kerubin naman ang nasa kanyang paanan sa loob ng mga ulap. Dalawang Heswita ang nasa magkabilang panig. Si San Ignacio de Loyola sa kaliwa na may hawak na libro at si San Francisco Javier sa kanan na pinapakita ang kanyang nag-aalab na puso.

Ayon sa isang batikang iskolar ng kasaysayan at sining na si Fr. Javellano, sinasabi rin na ang Santo Niño sa retablo ng Silang ay kahawig ng Santo Niño de Ternate. At kanyang itinataya na ginawa ang retablo taong 1663 ayon sa pagdating ng Santo Niño sa Ternate mula Moluccas kasama ng mga Merdekang binyagan na tumakas sa mga moron a lumusob sa kanilang isla. Ang lugar ng Ternate noon ay nasa pangangalaga ng simbahan ng Silang.

Advertisements